theforgottenboy

There are two kinds of writer: those that make you think, and those that make you wonder.

- Brian Aldiss 

"As I Lay Dying"

Status: Complete

Genre: Drama / Romance

Number of Chapters: 23 (Prologue Included)

Bigay-luho lahat ng gusto niya kaya kahit na magliwaliw siya sa buhay niya ay okay lang sa lola niya at Auntie Trinity niya basta ‘wag lang niyang pabayaang ang sarili niya dahil siya lang ang nag-iisang prinsesa ng pamilya. Hindi naman talaga siya maldita gaya ng iniisip ng iba sa campus, sadya lang talagang maarte siya marahil dahil na rin sa nakasanayan na magarbong pamumuhay. Pero mapagmahal siya sa kanyang mga magulang na pumanaw na. Idol na idol niya ang love story ng mga magulang niya dahil para sa kanya iyon lang ang love story na nagpapaalala na nag-e-exist pa pala ang happy ending. Kaya naniniwala din siya na darating ang araw na makakatagpo din siya ng lalaking gaya ng kanyang ama. 	Sa pagdating ng malapit na kaibigan niyang si Gray ay makikilala niya si Castiel. Isang binatang magpapaikot ng mundo niya at magtuturo sa kanya na tunay na kahulugan ng buhay. Malayo sa pamumuhay ni Chloe ang pag-ikot ng buhay ni Castiel. Mayaman siya samantalang si Castiel ay isang anak mahirap na maraming pangarap sa buhay. At ang tanging dahilan lamang kaya siya nakapasok sa pribado at exclusive na university na iyon ay dahil scholar siya. 	Mag-click kaya ang story nila? Matalik na magkaibigan si Gray at Chloe dahil magka-sosyo ang pamilya nila sa isang exclusive na hospital. Isang bisexual male si Gray pero isa lang itong lihim. Isang lihim na piling mga tao lang ang nakakaalam ng kanyang sikreto at hindi kabilang doon si Jeboy. Si Jeboy ang kababata ni Gray. Lagi niya itong binu-bully noong mga bata pa lang sila dahil kahit limang taong gulang pa lang si Gray ay mas malaki na ang pangangatawan niya kay Jeboy kaya ganon ganon na lamang niya ito apihin. Ngunit sa pagkikita nilang muli magbalik din kaya ang epesyal na damdamin niya para sa kababata gayong malabong mahalin iya nito pabalik gaya ng pangarap niya dati pa?

 "Ordinary Hearts"

Status: On-Going Series

Genre: Drama / Bromance  / Romance 

Number of Chapters / Volumes : UNKNOWN

 #theforgottenboy||All Rights Reserved.||Copyright © 2012

Disclaimer: I do not own the copyright of the images and videos used in  this website.

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola